My Wish List (for Public Viewing)

Ilang araw na lamang ay eighteenth birthday ko na.

 

Yes, friends! Ilang araw na lamang ay magiging ligal na kong sumali sa “Pilipinas: Game KNB?” at  “Deal or No Deal,” puwede na akong kumuha ng lisensya, magiging pandagdag sa botong dadayain sa susunod na eleksyon, makukulong na kapag gumawa ng krimen, magiging tunay na malaya nang bumili at uminom ng hard liquor, at higit sa lahat maididikit na sa aking pagkatao ang pagiging “dalaga.” (Dalaga nga ba?)

 

At dahil ang aking eighteenth birthday ay isang espesyal na okasyon na magmamarka sa pagpasok ko sa panibagong kabanata ng aking buhay, marapat lamang na maging espesyal din ang pagdiriwang. Kaugnay ng pagdiriwang, kinakailangan ng mga bagay na makakapagpaalala sa akin sa hinaharap ng nasabing okasyon.

 

Kaya naman, my most beloved friends and cousins, kung hindi pa kayo nakakapag-isip ng kung ano ang ibibigay sa akin, pili na sa listahan sa ibaba. Tuparin ang aking mumunting mga hiling at paligayahin ako (at ang iba pa) sa aking darating na kaarawan. Maraming salamat!

 

Ang mga sumusunod ay ang top 18 gifts na gusto kong matanggap. Hehe. Let’s do the countdown:

 

18th:  Maraming pagkain. As in maraming-marami talaga. Dahil malakas akong kumain (at alam kong pati naman kayo mga Cakhoza, DoTA Boys, The Beauties, at PowerHouse), baka kulangin sa ‘tin pa lang ang handa ko. Kaya naman, kung makakakaya ninyo, magdala rin kayo ng marami pang keyk at inumin at kung ano pa mang gusto ninyo i-share sa atin. Mag-piknik tayo sa birthday ko. Hahaha.

 

17th: Trip around Europe. One of my greatest dreams is to travel around the world with my family, and I want to start in Europe. Since Europe is a small continent and the countries are connected by land, it is easy to go from one country to another. You can do country-hopping via train, as long as you have the money. Ang sarap kaya nun. Makikita mo dami tatak ng passport mo. At saka andami kaya maganda scenic spots sa Europe. What a wonderful place for pictorials. Hahaha. And dahil feeling romantic ako, mag-aa la “Lover in Paris” ako. Yes! “LOVER in Paris” kasi singular noun lang naman ako. Alangan naman idamay ko ang pamilee ko sa pag-eemote dun, di ba?

 

16th: Libro. Libro. At libro pa ulet. Hindi ako bookworm. Pramis. Mukha ba akong bulate? Gusto ko lang talaga nga libro. Naniniwala ako sa kahalagahan ng kaalaman at karunungan na maaaring makamit sa pagbasa… at siyempre karanasan din. Humihingi ako ng libro kasi alanganaman bigyan ninyo ako ng karanasan, di ba? Anlabo naman nun. So libro na lang ibigay ninyo. Baka kung ano pang kakaibang karanasan maisipan ninyong ibigay e. HAHAHA. Anyway, tumatanggap ako ng kahit anong maganda—fiction, non-fiction, spiritual, self-help, English, Filipino, sci-fi, psycho-thriller, at kung anu-ano pa… kahit erotic. Bwahaha. Jowk lang yung huli. Please lang HUWAG TEXTBOOK lalo na tungkol sa Physics o Chemistry. Naku naman po. Parang awa ninyo. Wag iyon.

 

15th: Kikomachine Komix o Pugad Baboy o kahit anong libro ni Jessica Zafra at iba-ibang kuwelang librong nailimbag sa Pilipinas at sinulat ng kapwa Pilipino. Let us support our local writers. J Huwag kayong mag-alalala. Hindi makukurakot ng pamahalaan ang perang ipambibili ninyo ng mga libro. TAX FREE ANG BOOKS SA PILIPINAS. Tingan pa ninyo sa resibo. Kaya bili lang ng bili ng mga libro… at basahin ang mga ito. Yung ireregalo ninyo sa ‘kin, maaari ninyong hiramin sa kin pagkatapos kong basahin. * ngiti *

 

14th: Highlighters at gel/metal pens. Dahil gusto kong makulay ang buhay… pati na rin mga notes at readings ko. Sa highlighters, I need green. I have read somewhere that the color green stimulates a retentive memory. So go for green para masaya ang pag-aaral. Actually, any color will do. Kasi nga gusto ko makulay ang buhay. Minsan kasi pinang-susubstitute ko sa crayola ang markers ko. Hahaha.

 

13th: Isang extra Pilot BP-145-F-B at lifetime supply ng refill nito. Parang magic pen ang Pilot BP-145-F-B. Mas inspirado akong magsulat gamit ito. May kakaiba kaming connection. Tila ba nagkakaroon ng sariling buhay ang kanang kamay ko kapag nahawakan na nito ang mahiwagang Pilot pen ko. Gusto ko ng extra pen, in case na masira lang ang original ko. Dahil mahal ang bolpen na ito, solb na ko sa refill nito. Hindi naman magpapalit ng katawan e.

 

12th: Isang physical journal. Old School. Sa panahong uso na ang blog, mas pinipili ko pa ring gumamit ng physical journal na mailalagay ko sa ilalim ng unan ko at mahuhugot ko kapag nagising ako sa gitna ng malalim na gabi dahil sa mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Nakakatuwa ang tunog ng paglapat ng bolpen sa papel habang nagsusulat ka. At mas masarap ang madulas na feeling kapag nagsusulat kesa nagta-type.

 

11th: Libro ni Sir Vlad Gonzales. Yung “ Isang Napakalaking Kaastigan.” Marahil sasabihin ninyo napaka-redundant ko. Paulit-ulit ko nang sinasabi ang mga libro sa wish list kong ito. Pero kasi iba si Si Sir Vlad. Espesyal siya. Isang napakalaking misteryo para sa akin kung siya ba at si Bob Ong ay iisa? Medyo naiintriga kasi ako. Marami akong naririnig tungkol sa kanya. Sabi nga ni Kem, block head  namin at naging estudyante ni Sir Vlad parang may mga similarities nga raw sila. Actually, kung titingnan mo nga yung libro ni Sir Vlad at Bob Ong parang pareho nga sila. Pero siyempre hindi ko pa naman tapos bashin sa National Bookstore yung libro ni Sir Vlad kaya kung maaari lang pakibili na para sa akin nang matapos ko na at mahusgahan ko na. Hahaha. Pero anyway, sabi naman nung iba maaaring hindi lamang iisa si “Bob Ong,” tulad ni “Kuya” ng “Big Brother” maaaring iba-iba silang tao. Basta may nakapag-tip na may “Bob Ong” sa Faculty ng Filipino Department. Well, kung hindi man si Sir Vlad si Bob Ong at kung sakali man hindi lang iisa si Bob Ong, tingin ko naman it will still be worth buying and reading Sir Vlad’s book. Hahangaan at tatangkilikin ko pa rin si Sir Vlad bilang siya. Isa akong  Certified Panatiko.

 

10th:Manual SLR. Nikon F55. Gamay ko na yun e. Janine please make me happy on my 18th birthday. HAHAHA.

 

9th : Laptop. Okay. Nakakahiya mang aminin: wala pa akong laptop. Ayos lang naman sa kin na yun. May PC naman kami sa bahay kahit pa’no. Hindi naman ako naghahangad ng sobra. Sa totoo lang masaya na talaga ako sa PC namin. Kaya lang minsan, advantage talaga pag may laptop e. You can do your stuff anywhere. Less hassle.

 

8th: Unan. At sweet dreams.

 

7th:Camcorder. For future purposes in school and to capture special moments with my loved ones.

 

6th: Album. I still want hard copies of our pictures. Even if there are already so many ways to preserve pictures via computers and other electronic gadgets, nothing beats printed photographs, at least for me. The best way store your most precious memories is through albums. Mas madali i-view. No gadget, electricity, and internet connection needed. Instant viewing anytime. Less radiation. Yun nga lang hindi commendable na dalhin lalo na kung marami kang pictures at magtratravel abroad, unless, of course, you are willing to pay for additional load. 

 

5th:  Hugs. According to a text I received: “Skin-to-skin contact produces serotonin, the body’s natural anti-depressant.” That is why I feel so loved, secured, and happy whenever I received hugs. Wala akong masyadong hugs the past months. Kaya naman, I want lots of them on my birthday. J

 

4th: Trip to Dubai for three. I want to be with my mom on my birthday. However, it is not practical for her to come home for a one-day event. Since she could not come back home, why not go to her? Family bonding na, travel abroad pa. Yehey! Will someone make this wish come true? Please. I need sponsors.

 

3rd: Social justice and social change. I have seen the STAND-UP “sticker” posted on our PC’s monitor. Then, I realized that this is one life-long wish I have. This is what we all want. This is what we have all been longing for.

 

2nd: Love, joy, and world peace.

 

1st: Magkasama-sama lahat ng loved ones ko on my special day— kahit on that day lang.

 

 

 

 

            So, there they are. Pili na kayo. Thank you in advance, friends!

 

***********

 

P.S. I am more than thankful to the good LORD for giving me wonderful people in the eighteen blessed years of my life here on earth. Thank you everyone— mama, tatay, Pao, uncles, aunts, cousins, Mama Zeny, Mommy Lily, Papa Mar, Bes Jonah, relatives, Cakhozah, Ma’am Daniel, Ma’am Jornacion, Ma’am Bartolome, sisses, friends, classmates, church mates, Esbi, block mates, teachers, and crushes. Haha. Kasama talaga yung huli.  (Ang chummy ko naman. Asar. Haha. )

Leave a Comment

Filed under Wishes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s